Inaasahang matatapos at magagamit na ngayong Enero ang kauna-unahang paaralan sa Asya na ginamitan ng mga “recycled plastic
bottles” sa halip na “hollow blocks” para maitayo.
Ang “Bottle School Project” ay itinayo sa “560 square meters” na lupaing ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng lunsod ng San Pablo sa Laguna.
Ang proyekto ay konsepto ng “actor-model turned social entrepreneur” na si Illac Diaz. Kilala si Diaz sa paggawa ng mga mura pero matibay na gusali gaya ng mga bahay para makatulong sa mga mahihirap na Pilipino.
Sa halip na “hollow block, “about 1.5 liter of the bottled soft drink mixed with liquified adobe” ang ginamit bilang pundasyon at pader ng paaralan kaya mas matibay ito kaysa karaniwang “hollow block.”
Ang bawat silid-aralan sa itinatayong paaralan ay ginamitan ng tinatayang “5,000 recycled bottles” – mga plastik na sa tingin marahil ng iba ay basura na.
“Kay sa itapon natin ang mga boteng ito, iayos na lang ang mga “plastic bottles” pataas at makagagawa pa tayo ng maraming silid- aralan,” ayon kay Diaz, “Gusto ko sana bawat bote na ininom na ang laman ay huwag itapon o isama sa ibang basura. Dapat malaman ng madla na dito sa Laguna ang mga “plastic bottles” ay ginagamit na parang “hollow blocks” sa pagtatayo ng mga paaralan. Isang paraan ito para malunasan ang malaking problema sa pagkukulang ng mga “classrooms,” idinagdag pa niya.
Sinabi naman ng “actress-turned politician” na si Angelica Jones, isang “board member,” na sadyang naglalaan ang lokal na pamahalaan ng lupain na maaaring pagtayuan ng mga paaralan, lalo na sa mga lugar na may malaking kakulangan ng mga “classrooms.”
With information from the report of
FRJimenez, GMANews.TV
