SA MAY KANTO.
LASING: Miss ang panget mo!
BABAE: Kapal ng mukha mo! Ikaw naman Lasenggo
LASING: Bukas di na ako lasing, ikaw bukas panget pa rin!
Wahahahahaha…..
HUSBAND: Pagkamatay ko ipamamana ko sayo 50 hectares ng lupa’t bahay at 350 million sa bank. Ano pa mahihiling mo?
WIFE: Gusto ko mamatay ka na, Ngayon na!
NENE: Inay, pinatambling ako kanina sa school!
INAY: Gaga! Gusto lang nila makita panty mo!
NENE: Alam ko! Kaya nga tinago ko sa bag yung panty ko eh!!
ANAK: Itay, ano sa English ang utot?
AMA: Wind of change.
ANAK: Eh yung utot na walang tunog?
AMA: Sound of Silence.
ANAK: Yung utot na may dalang ebak?
AMA: Dust in the wind.
ANAK: Eh, yung di sinasadyang utot?
AMA: Careless whisper!
Misis: Darling, ano ang tawag sa isang asawa na sexy, maganda, hindi selosa, mapagmahal, masipag, mapagkalinga, masarap magluto?
Mister: Guni-guni!!!
TANONG: Paano mo sasabihin sa isang babae na mataba siya nang
hindi siya mababastos?
SAGOT: “Uhm, excuse me, miss…Mang Tomas ba ang lotion mo?”
Guro: Sino si Jose Rizal?
Juan: Di ko po kilala.
Guro: Ikaw Pepe?
Pepe: Di ko rin po kilala…
Guro: Di nyo kilala si Jose Rizal?
Pedro: Ma’m, baka po sa kabilang section sya!
Hope you enjoyed the jokes. Thank you and have a nice day!!!

Heto ang isa pa:
Sa isang watch repair shop sa tapat ng simbahan:
Pare: Peping, gawa na ba ang aking reloj?
Peping: Opo Father, heto po.
Pare: Magkano?
Peping: P350 po.
Pare: Ka mahal naman!
Peping: Aba, Father, mura nga po yun, eh! Yung pong lola ko kahapon. Konting wisik niyo lang, P3,500 agad. Nang ilabas ng simbahan, patay pa rin! Ang reloj ninyo, nang dalhin ninyo sakin, patay, ngayon na kinukuha ninyo, buhay! P350 lang, mura na yun!
Nagpaalaala ito sakin ng isa pang joke:
Isang gabi sa bukid habang dalawang magkumpare ay patungo sa isang party, ang buwan ay kabilugan, masaya silang nagkukuwentuhan. Matapos ang tatlong oras, papauwi na ang magkumpare na pasuray-suray.
Unang kumpare nakatingala: Pare, bakit kanila ang buwan iisa lang, ngayon dalawa na!
Ikalawang kumpare tumingala rin: Ulul! Anong dalawa, Apat, pare, apat!