Talagang iba ang Pasko sa Pilipinas

Author: c-anne
From the Internt

Kapag pupunta ka sa mall, marami ka ng makikita na mga dekorasyon para sa Pasko. Kanina nga lang pinag-uusapan na dito sa bahay ng mga amo ko kung kailan nila sisimulan ang paglalagay ng mga Christmas Decors.

One of my friends once told me that I am fortunate kasi naranasan ko na ang White Christmas. Kasi may snow dito sa Canada. Sagot ko naman, White Christmas man o hindi… mas gugustuhin ko pa rin ang paraan ng selebrasyon natin sa ‘Pinas.

Kailan ko nga ba huling naranasan ang Paskong Pinoy? That was 2005. This would be the 6th year that I’m going to celebrate Christmas away from my famiy. I worked in Jordan for almost 3 years. Simple lang ang selebrasyon namin doon since mga Muslim ang mga amo ko. Bumubili sila ng cake at kakainin namin ‘yun together with a cup of tea. Tapos babatiin lang ako ng “Merry Christmas!” Tapos na. Malaking pasasalamat ko na rin knowing that they’re not celebrating Christmas. Kakambal na rin ang kawalan ng Christmas Tree o parol man lang sana o kahit isang awit pamasko. During those times, doon talaga mararamdaman ang pangungulila sa pamilya.

When I arrived here in Canada, I was hoping that celebrating Christmas will be totally different. For the last two years, I celebrated it with my Aunt and cousin together with their family. May noche buena at maraming Christmas decors kang makikita. Kahit ilang Christmas songs ang pakinggan, puwedeng-puwede. May Santa Claus parade pa nga dito, eh. But the longing to be with my immediate family is still there.

Celebrating Christmas in your own country with your family is priceless. Kahit na ang selebrasyon ay napakasimple but the fact that you’re in your own home with family is totally different. Kahit pansit lang o spaghetti na may kasamang egg sandwich ay puwede na. Kahit walang magarbong Christmas Tree na nadedekorasyunan ng mga mamahaling ornaments ay puwede na. Kadalasan nga ang Christmas Tree namin ay isang tuyong sanga ng punongkahoy tapos lalagyan ng sabon (perla) o di kaya’y pipintahan ng berdeng pintura. Ang mga ornaments ay mga hand-made na star na gawa sa pinagbalatan ng sigarilyo o yung mga plastic wrapper na may matitingkad na kulay. Ang gawain ko noon, yung bato babalutin ko ng candy wrapper. Tapos mag-uunahan ang mga pamangkin ko na kunin only to find out “fake candy” pala.

Sa bisperas ng Pasko, magsisimba kami. Nilalakad lang namin kasi malapit lang ang simbahan mula sa aming tahanan. Bawat pamilya ay magdadala ng kung anuman ang inihanda para sa Pasko. Pagkatapos ng simba, lahat ng mga dalang pagkain na dala ay ihahanda sa mesa at sabay-sabay kaming kakain. Pero ang pinakamiss ko sa lahat ay kapag nakauwi na kaming lahat at magpapalaro ang aking Ina. Ang sayang tingnan ang aking mga pamangkin na naglalaro at ang katuwaan sa kanilang mukha ay hindi matatawaran. At ang pinakafinale ng aming munting selebrasyon ay kapag maghahagis si “Lola” ng mga candies na may halong mga barya. Kahit na karamihan sa barya ay mga 25 cents lang. Pamparami, ika nga…

Matagal pa bago ako makakauwi sa Pinas. Taon pa ang aking bibilangin… sa ngayon ang mga ala-alang ‘yun muna ang aking kapiling sa pagsapit muli ng Pasko…

Related Post

  • No Related Post

About Lucila Oblena

A native of Cavinti, Lucila C. Oblena spent all her working years as an educator, beginning as a classroom teacher in 1944, then a Guidance Counselor and retired as a school Principal. She is also the founder of CLOTA (Cavinti Laguna Overseas Teachers Association). She is the Editor of Tipakan.com (Cavinti Diaspora).