Taga Cavinti Ka Ba?
Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong. Maaaring taga Cavinti ka kung . . . . .
1. Ang tawag mo ba sa sementadong sahig ay misla?
2. May altar o poon ka ba sa sala o silid tanggapapn sa iyong bahay?
3. Kung may dumating bang tao o panauhin sa iyong tahanan, ‘adyo ka/kayo’ ang sinasabi mo kung inaanyayahan mong pumanhik sa iyong bahay?
4. May tabo,balsa o panghilod ba sa iyong banyo?
5. Ang sinasabi mo ba kung ikaw ay pupunta sa Sta. Cruz ay “Ako’y lulusong/palusong” at “Ako’y aahon na” kung pauwi ka sa Cavinti simula Sta. Cruz?
6. Isinasaw-saw mo ba ang tinapay/pandesal sa kape/tsokolate bago mo kainin?
7. May nakasabit ka bang “The Last Supper” sa iyong silid kainan?
8. Kung naiinitan ka, ang sinasabi mo ba ay “mabanas o ako’y nababanasan”?
9. Ang ginagamit mo ba ay ang iyong kamay kung kumakain ka?
10. Kung nagpapalam ka sa may bahay at uuwi ka na sa iyong tahanan, ang sinasabi mo ba ay “Ako’y yayaon na”?
Kung ang sagot mong “oo” ay pito(7) o walo(8) sa mga katanungan sa itaas, tunay kang taga Cavinti. Kung mayruon pa kayong idadagdag, ipakisulat lamang sa ‘Leave a Comment’.


May 30th, 2008 at 12:22 am
Nais kong idagdag sa ‘Taga Cavinti Ka Ba?’
Paggalang kung tayo ay nakikipag-usap sa nakatatanda sa atin.
Ang ginagamit ng taga Cavinti ay “siya/sila” at hindi “kayo.”
Halimbawa: Kumusta po siya? Kumusta po sila?
Cesar J. Mesina
June 27th, 2008 at 4:32 am
Kung taga Cavinti ka, pamilyar ka sa tuksong ito:
Tanong: (nagkasalubong) Saan ka galing?
Sumagot: Laing
Tanong: Anong dala mo?
Sumagot: Tibatib. (hehehe)
June 27th, 2008 at 4:52 am
Taga Cavinti ka kung alam mo din ito:
Galing linang at nagkasalubong -
Tanong: Bakit ka naglalakad? (nakakalabaw sana)
Sagot : Alangan namang akong gumapang di naman ako bayawak.
(Masama ang panahon)
Tanong: Saan ka inabot ng ulan?
Sagot: Ay di sa tuktok, balikat at katawan. (hehehe pilosopo)
June 27th, 2008 at 4:56 am
Taga Cavinti ka kung alam mo din ito:
Galing linang at nagkasalubong -
Nagtanong: Bakit ka naglalakad? (nakakalabaw sana)
Sumagot : Alangan namang akong gumapang di naman ako bayawak.
(Masama ang panahon)
Nagtanong: Saan ka inabot ng ulan?
Sumagot: Ay di sa tuktok, balikat at katawan. (hehehe pilosopo)
July 1st, 2008 at 11:14 pm
nais ko rin pong idagdag
kung ikaw ay nasa bondok, sumisigaw ka ba ng asin talolo?
(hanggang ngayon do ko pa alam ang ibig sabihin)
kung ika’y nasa ilog sinasabi mo bang, tabi-tabi nunu,huag po kaming ma-a-anayo.
at pag ika’y na-anayo, nagpapasuub ka ba? (me kasamang ensenso,bendeta,pag maitim daw ang usuk, malakas ang kapit.
October 3rd, 2008 at 4:49 am
kung alam mo ang mga salitang
limatik
catmon
lipute
sampinit
barak
limuran
tagbak