Masaya Ba Ang Pasko sa Cavinti?

lanternIlang araw na lang at Pasko na. Siguradong ginugunita na naman ng mga taga Cavinti ang mga bagay na kaakibat ng Pasko. Muli na namang mapapasaisipan nila ang mga kasiyahan na hatid nito. Para sa mga bata, iniisip nila ang pamamasko sa mga ninong at ninang, tiya’t tiyo at iba pang mga kamag-anak upang makatanggap ng mga aguinaldo. At hinahanap-hanap na ng mga dalaga at binata ang pagsasama-sama ng magkakabarkada sa pamamasyal at iba pang mga kasayahan. Ang mga tatay at nanay at iba pang mga
matatanda naman ay abala sa paghahanda ng mga pambilli ng mga pangregalo at pagkain para sa noche buena at pagkain sa araw ng Pasko at media noche kung Bagong Taon.

Mamayang madaling araw ay magsisimula na ang “simbang gabi.” Maraming mga tao ang gigising nang maaga upang sumimba. Pagkatapos ng misa, marami ang mag-aalmusal ng arroz caldo, puto bumbong, bibingka, puto o sumang latík at mainit na kape o tsokolate sa mga magtitinda sa patio ng simbahan at sa mga tabing kalsada.

Pagsapit ng gabi, mananapatan naman sa bawat bahay ay ang mga magkakaroling. At ang gawing ito ay gabi-gabi hanggang Bagong Taon. Ang bawat may bahay ay magbibigay ng pera, magpapakape o magpapainom. Kung hindi, ang mga bata ay may nakahandang awit na ganito: “Tenkyo, tenkyo, tenkyo; ang kukuriput ninyo. Tenkyo.”

At ang mga pagdiriwang na ito ay hanggang sa unang Linggo ng bagong taon, ang Pagdalaw ng Tatlong Hari.

Kayo na ang humatol. Masaya ba ang Pasko sa Cavinti?

Related Post

About Lucila Oblena

A native of Cavinti, Lucila C. Oblena spent all her working years as an educator, beginning as a classroom teacher in 1944, then a Guidance Counselor and retired as a school Principal. She is also the founder of CLOTA (Cavinti Laguna Overseas Teachers Association). She is the Editor of Tipakan.com (Cavinti Diaspora).