Magbugtungan Tayo
1. Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo.
2. Ako’y may kaibigan, kasama ko kahit saan.
3. Kung kailan mo pinatay, saka humaba ang buhay.
4. Malaking supot ni Jacob, kung sidlan ay pataob.
5. Baka ko sa Pulupandan, unga ay nakakarating kahit saan.
6. Iisa ang pasukan, tatlo ang labasan.
7. Buto at balat na malapad, kay galing na lumipad.
8. Naaabot na ng kamay, ginawan pa ng tulay.
9. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
10. Bahay ni Kapri, iisa ang haligi.
Sagutin ninyo at magsaya. Ilagay ang sagot sa “Leave a Comment” which is found under the title. Duon din makikita bukas ang mga kasagutan.











