Maalaala mo kaya?
Sent via email by Carolyn C. Montebon
1. diyes lang ang pamasahe, kandong libre pa , madalas sabit lang para madaling makatalon
2. ang babae lang ang may hikaw
3. ang preso lang ang may tattoo – kulay berde lang karaniwang tattoo
4. si Erap at Jun Aristorenas, pati na si FPJ ay sa showbiz section lang ng
dyaryo nababasa – Kuwadro de Jack ang pelikula , kasama sina Jess Lapid at Jing Abalos nina Erap at Jun.
5. ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud
6. ARCEGAS at ESCOLTA ang shoppingan sa bansa – sa Ever Emporium ang tambayan para sa games
7. diyes lang ang isang basong taho , dami na nito at hindi binibilang ang sago
8. at kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi wala pang
plastic cups noon si manong na magtataho
9. chocnut, bukayo at kending vicks ang pinag-gagastusan mo ng sinko mo
10. Sarsi with egg ang pampataba at star margarine para pampataas
11. nagkaka-kalyo ka dahil sa manual typewriter pa ang ginagamit mo
para sa school paper mo
12. kaya uso pa noon ang carbon paper
13. at tancho o three flowers ang pang-ayos mo ng buhok , matulis pa dulo nang suklay mo
14. KLIM ang tinitimpla para sa kape o di kaya kinakain mo nang powder form with konting sugar
15. nakakapag-grocery ka na 20 piso lang ang dala – Cherry Foodarama ang bigtime na grocery
16. anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang
kaibigan mo – 25 sentimos lang ang bayad sa tawag
17. computer cards ang iyung tinutupi para maging barilbarilan
18. singkwenta sentimos lang ang songhits
19. pango pa si Vilma – lagi pang may kissme kissme sa patilya
20. kay paeng yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa panahon ang balita
21. sinkwenta sentimos lang ang pa-gupit , libre masahe at libre ang kuwento
22. pinagtatawanan ang kalbo – pendong ang sigaw mo sabay batok sa katabi
23. hindi uso ang gusot ang buhok at damit
24. nakakahiya kung nakalitaw ang halfslip ng babae, ngayon nakadisplay
pa ang panty at pusod
25. lalaki pa noon si ernie maceda at senator sonny osmena
26. hostess pa ang tawag sa mga babaeng nagtratrabaho sa mga discotheque at bars
27. sa escolta ka namimili ng pamasko mo
28. payat na payat ka pa noon
29. highway 54 pa noon at wala pang EDSA.
30. malago pa ang buhok mo – flowing long hair minsan tinatalian mo nang lastiko ( di pa rubberband tawag doon o kaya naka bonnet ka para di Makita at maputol nang metrocom )
31. Jingle lang at Songhits nakakanta na, pag may akumpanyang gitara , bigtime na
32. $1.00 = 4 pesos
33. Si Dolphy kalbo na pero matindi pa rin sa tsiks
Kung naaalala mo pa yan eh .
tsk tsk MATANDA KA NA!!!


Leave a Reply