You might have read these jokes before.
Still make me laugh, hope they do to you, too. Enjoy!
JUDGE: Ano ba talaga nangyari?
JOSE: (di nagsasalita)
JUDGE: Sumagot ka sa tanong.
JOSE: Naman eh!!! Akala ko ba hearing lang ito? Bakit may speaking?
TEACHER: Okay class, our lesson for today is science. What is science?
PEDRO: Ako ma’am! Ako ma’am!
TEACHER: Okay Pedro, what is science?
PEDRO: Science is our lesson for today.
MEKANIKO: Sir, hindi ko po naayos preno ng kotse niyo.
CUSTOMER: Ha?! Pano yan?
MEKANIKO: Nilakasan ko na lang po ang inyong busina! Happy trip na lang po!
BOY: Dad, tulong naman sa assignment ko. Find the least common denominator daw.
DAD: Ha? Aba’y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah! Aba’y di pa ba nila nakikita?
BOY 1: Nakakaawa naman lola mo.
BOY 2: Bakit?
BOY 1: Nakasabay ko kasi magsimba nung isang araw, ubo ng ubo. Pinagtitinginan nga ng tao.
BOY 2: Papansin lang yun!
BOY 1: Bakit?
BOY 2: Bago kasi blouse niya!
TITSER: Bakit ka na-late?
EDWARD: Nawalan ho kasi ng P500 yung lalaki.
TITSER: Tinulungan mo siyang maghanap?
EDWARD: Hindi po. Tinapakan ko lang hanggang umalis siya.
SA OSPITAL….
WIFE: Hon, nahihirapan akong huminga.
HUSBAND: Kung nahirapan ka nang huminga, itigil mo na.
INA: Anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito.
[Pagkatapos tawagan.]
ANAK: Nay, babae po ang sumagot.
INA: Lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
ANAK: ‘You only have zero pesos in your account. Hindi ko na tinapos, Nay. Mukhang matapobre.
A contribution from Juliet Dela Torre
Illinois, U.S.A.
