Isang Alamat: Bakit Sinungaling ang mga Lalake?
Padala ni Cesar J. Mesina
Karpintero itong si Pedro at isang araw eh gumagawa siya ng isang
bahay sa tabi ng ilog. Sa lakas ng pagmamartilyo niya eh nalaglag ang
martilyo niya sa ilog.
Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya, “Tutulungan kita,
Pedro”
Sabay lundag sa ilog. Lumabas ito na me hawak na gold hammer, “Ito ba
ang martilyo mo?”…
“Hindi po.”
Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer, “Ito ba?”
“Hindi po.”
Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer, “Ito
ba?”
” Opo!”
Natuwa ang anghel.
“Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa ‘yo na rin ang gold and
silver hammer!”
Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Pedro sa ilog at kasama ang
misis niya. Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog. Iyak si
Pedro. Litaw si guardian angel.
“Tutulungan kita.”
Sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama si Diana Zubiri. “Ito ba
ang misis mo?”
Sagot si Pedro, “Opo!”
Nagalit si anghel, “Sinungaling ka. Akala ko pa naman eh mabait ka.”
Nag-reason-out si Pedro, “Sorry po, angel… kasi kapag sinabi
kong ‘Hindi’, eh lulundag ka uli sa tubig at paglitaw mo eh kasama mo
si Katrina Halili. At kapag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko,
eh lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo. At
dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Diana at
Katrina. Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa,
kaya ‘Yes’ na lang ang sinagot ko nung una.”
Tanong: Tama ba si Pedro or Hindi?
Sa mga lalake na makakabasa nito: Pakisagot lang ninyo ang tanong at ipaliwanag rin kung bakit oo o hindi ang inyong isinagot. Ilagay ang inyong sagot sa “Comment” sa ilalim ng pamagat ng alamat o sa ating Guest Book.
.
__,_._,___


Leave a Reply