Filipina Tumanggap ng L’Oreal UNESCO Award

Philippine Flag

Magugulat kayo sa nadiskubre ni Professor Lourdes Cruz sa loob ng mga cone snails sa baybayin ng Bataan.

Daan-daang tinatawag na ‘peptide’ na maaaring magsilbing natural na alternatibo sa nakakapagpagumon na painkillers tulad ng morphine.

Hindi inakala ni Cruz na dahil sa mga cone snails, mananalo siya ng “For Women in Science L’Oreal UNESCO Award.”

“I was so proud as a Filipino. Parang kauna-unahan pa nga. I think isang patunay iyon na ang Filipino ay puwede at talagang palagay ko ay marami pang susunod sa akin,” ani Prof. Cruz.

Pinarangalan kamakailan si Cruz at ang iba pang mga nanalo sa headquarters ng UNESCO sa Paris, France at siya’y tumanggap ng $100,000 o halos P5 milyon bilang premyo.

Imbes na ilagay sa bangko, bumili siya ng lupa at nagtayo ng isang research center para maipagpatuloy ang pag-aaral niya sa probinsya.

“Ang aming tinutulungan dito mga Aetas, mga fishermen, mga kababaihan at farmers,” anang propesor.

Ayon kay Cruz, laman ng marine snail toxins ang posibleng solusyon sa sakit na epilepsy, Parkinson’s disease at marami pang iba.

“Marami tayong makikita dito na sari-saring components na puwedeng gamitin na i-develop na parang mga gamot,” ani Cruz.

Si Cruz ang kauna-unahang Filipina at scientist mula Southeast Asia na tumanggap ng kinilalang “laureate” ng L’Oreal UNESCO awards.

Sa buong mundo, 30% lamang sa mga college graduate na nasa science & technology ang babae, 2.9% lamang ang mga Nobel laureate.

Si Cruz ay isang ehemplo ng Bayaning Pilipino.

Sa Paguulat ni Karen Davila
Patrol ng Pilipino

Related Post

About Lucila Oblena

A native of Cavinti, Lucila C. Oblena spent all her working years as an educator, beginning as a classroom teacher in 1944, then a Guidance Counselor and retired as a school Principal. She is also the founder of CLOTA (Cavinti Laguna Overseas Teachers Association). She is the Editor of Tipakan.com (Cavinti Diaspora).